Last March 28, Philippines was declared as the most corrupt country in Asia. From a rate of 7.80 to 9.40, what a big leap and fast phase of corruption in our country! And who gave the said report? Oh, it is just The Asia foundation, a very unreliable source! the whole world is so into them when it comes to the political and social state of affairs in Asia! And where the heck did they get such information? Another Oh, The Asia Foundation got it from the Social Weather Stations, Pulse Asia, Ibon Foundation, The Makati Business Club, Transparency International (TI), and PERC; all brought together by the Annual Enterprise Survey conducted by The Asia Foundation itself and United States Agency for International Development.
With all the tidings, why should I bother? Why be troubled if I can eat more than 3x a day? Got the latest gadgets like ipod, laptop, cellphone, and a playstation portable? Livin' in a decent house with my own room for privacy? Got the best education this country can offer? Or I can rationalize my untroubled view to this nasty information about Philippine ranking in corruption by saying that Man in nature is selfish, and the whole thing about the state and government is a stuff for politicians and businessmen and not for a teenager like me, So why bother?
But I must be concern because I am a citizen of the Philippines and a benefactor of its state affairs and government policies; I represent my country wherever I go, whatever I do, and whoever I meet; and due to the color of my skin, of my small and flat nose, of my irrefutable Filipino tongue, I can not deny the fact that I am a Filipino.
I am bothered by the fact that I am affected by the negative clouts brought about of being the number 1 most corrupt country in Asia; that the value of Peso in the world market and world media is escalating but not in in the everyday lives of the masses; that my father, brother, cousin, uncle, best friend, neighbor, if possible even my dog are all going abroad for greener pasture that they can not find in this country; that the best education that Philippines can offer is not enough to have a healthy competition against the rest of the globe; that my Muslim brothers in Mindanao are asking for autonomy from the central government in view of cultural and religious differences (sad to say discrimination too by some narrow- minded Filipino Christians) and refusal to comply to their needs, rights and potential as part of the country leading to irrational bloodshed and terror; to cut the story short, we are a putrefying and left behind by the rest of the world country, and with these verities I am bothered and so you must also be!
The images are taken from the internet address of Social Weather Station- http://www.sws.org.ph/
Monday, March 31, 2008
Philippines: The Most Corrupt Country in Asia, Why Bother?
Posted by Indiobotod at 4:37 PM 1 comments
Labels: Political
Sunday, March 30, 2008
PILIPINAS: Perlas ng Silangan?
Katotohanan sa Pilipinas
Ito ang paraan na ipinasa sa amin ng mga nakatatanda upang isigaw ang tunay na kaganapan sa bansa, isulong ang pagbabago, makamtam ang Kalayaan at mapanatili ang Demokrasya. Ngunit sa mga nagdaang panahon, ako ay nagbulay at nakagawa ng mga katanungan tulad ng, epektibo ba? Ito pa rin ba ang nararapat naming gawin sa kasalukuyang panahon? May pagpipilian ba kami?
Posted by Indiobotod at 9:05 AM 0 comments
Labels: shutterbug
Kalye, Hong Kong, Makati, Dubai, Baguio, at lalo na sa Maynila; doon sila, kami, tayo at ako nakakalat, ikinakalat at kumakalat. Ngunit sa kasamaang palad marami ang walang barya ang mga palad, butas ang mga bituka, kinakain ng hayop at nilalamon ng lupa, inaapi't pinahihirapan ng ating mga sariling kadugo't katoto at ng kawalan ng kamalayan. Ito ang Pilipinas!
Posted by Indiobotod at 8:55 AM 0 comments
Labels: shutterbug
Ito ang araw-araw ng mga imaheng sumusungkit sa mga mata ko. Araw- araw na dumudurog sa puso ko. Araw- araw na ipinapanalangin ko. "Ama namin sa langit kailan mo kami ikukubli?"
Posted by Indiobotod at 8:49 AM 0 comments
Labels: shutterbug
Sa Pilipinas man o sa ibang dako ng daigdig, wala pa ring pinagkaiba. Mahirap, puro pasakit, walang katauhan, inaapi. Nais ko rin naman ng kabaligtaran! Ng kalayaan, kaayusan, kaginhawaan at katauhan ng isang maipagmamalaking Pilipino sa loob ng bansa at sa saan man ako sa daigdig.
Di ko man ito makamit kahit man lamang sa aking mga magiging supling.
Posted by Indiobotod at 8:39 AM 0 comments
Labels: shutterbug
Ang mga larawang ito ay sapat na upang masalamin natin kung ano ang Pilipinas sa kasalukuyang panahon at kung bakit marami ang nagnanais ng pagbabago.
Posted by Indiobotod at 7:50 AM 0 comments
Labels: shutterbug
Saturday, March 29, 2008
Ang Bayan Kong Sinilangan by Asin
INTRO
Ako'y isinilang sa isang bayan ng Cotabato
Kasing gulo ng tao, kasing gulo ng mundo
Dahil 'di magkasundo sa relihiyon at prinsipyo
Nagkagulo Ang bayan ko sa Cotabato, kasing gulo ng isip ko
'Di alam saan nanggaling, 'di alam saan patungo
Kapatid sa kapatid, laman sa laman
Sila-sila ang naglalaban, 'di ko alam ang dahilan ng gulo
Bakit nagkagano'n, ang sagot sa tanong ko
Bakit kayo nag-away, bakit kayo nagkagulo
Prinsipyo mo'y igagalang ko kung ako'y iyong nirespeto
Kung nagtulungan kayo, 'di sana magulo ang bayan ko
CHORUS
Sa bayan kong sinilangan, sa timog Cotabato
Ako ay namulat sa napakalaking gulo
Dahil walang respeto sa prinsipyo ng kapwa tao
Kapwa Pilipino ay pinapahirapan mo
Ang guloAko'y nananawagan, humihingi ng tulong n'yo
Kapayapaa'y bigyan ng daan, kapayapaan sa bayan ko
Bakit kailangan pang maglaban, magkapatid kayo sa dugo
Kailan kayo magkakasundo, kapayapaa'y kailan matatamo ng bayan ko
Kung ako'y may maitutulong, tutulong nang buong puso
Gitara ko'y aking inaalay, kung magkagulo'y gamitin mo
Kung ang kalaba'y walang puso, puso na rin ang gamitin mo
Ituring mong 'sang kaibigan, isipin mong siya'y may puso rin katulad mo
CHORUS
Sa bayan kong sinilangan (bakit may gulo) sa timog Cotabato (sa timog Cotabato)
Ako ay namulat (kailan matatapos) sa napakalaking gulo (ang gulo)
Dahil walang respeto (kailan magkakasundo) sa prinsipyo ng kapwa tao (ang tao)
Kapwa Pilipino (kapwa Pilipino) ay kinakalaban mo (bakit kinalaban mo)
Ang gulo
Posted by Indiobotod at 7:34 PM 0 comments
Labels: Political
Long live ASIN and Florante!
Asin and Florante of the 70s, how I wish I was born during their era and have met them! It is one of my biggest frustrations. If ever I will be given the chance to ride a time travel machine, I will go back to the 70s and look for them and join them as well; Hit some notes with Asin and Florante even though I am not good in singing! (See how desperate I am?! ) Their love for the country and yearning for freedom not only from the clutches of Marcos at that time but from ourselves too is the reason why their music is so damn good! How I wish that there will be a new generation of Asin and Florante that will raise the morale of our national identity, our Filipinology! Revive our Filipino identity, revive the Asin and Florante in our generation!
Posted by Indiobotod at 7:04 PM 0 comments
Labels: Opinion
Ako ay Isang Pinoy by Florante
ako'y isang pinoy sa puso't diwa
pinoy na isinilang sa ating bansa.
ako'y hindi sanay sa wikang mga banyaga,
ako'y pinoy na mayroong sariling wika.
wikang pambansa ang gamit kong salita,
bayan kong sinilangan; hangad kong lagi ang kalayaan.
si gat jose rizal, noo'y nag wika.
siya ang nagpangaral sa ating bansa;
ang hindi raw magmahal, sa sariling wika;
ay higit pa ang amoy sa mabahong isda.
Posted by Indiobotod at 7:00 PM 0 comments
Labels: Political
Indio Botod
Ikinalat, kumalat. Nagtayo ng sibilisasyon, may umunlad at may naghirap. At mula sa naghirap isa na roon kaming dati ang tawag ay Indio ngayon mas may pagkakakilanlan na, Pilipino.
Namulat sa isang uri ng kasaysayan mula sa paniniig ng mga hilaw na prayle buhat sa Espanya. Na siyang nanikil sa amin upang busugin ang kanilang malalaki't ganid na bituka at hindi pa naawa'y hinalay ang mga puri ng aming mga kababaihan. Hindi pa roo'y natapos, kami ay pinagsawaan, ipinasa at naging bahagi ng buktot na kamalayan at sakim na kapangyarihan ng mga Amerikano at pagkatapos nama'y mga hapon.
Kilusan dito, rebelyon doon. Mga balangkas sa Mindanao, Kaguluhan sa Bisayas at progresibong pakikibaka sa Luzon. Mga bunga ng pang-aalipusta sa aming mga sarili, pang-aalipin ng sarili naming pagkatao, ng aming pagka- Pilipino.
Ang aming kabaliwan ay walang pinipili, bata man o matanda; estudyante man o guro; tamad man o masikap; palaboy man o may tahanan; lahat biktima at salarin sa paninira sa kamalayan ng bawat isa, walang matitirang buhay.
Kaawa-awang Rizal, ang mga indio na kanyang ikinamatay ay nagpapatayan. Sayang na Bonifacio, ang kanyang bolo't Katipunan sasaan pa ma'y nilamon ng lupa at tila hindi na isina-alang-alang ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Oh Jaena, kung iyo lamang nakikita na ang mga paring bondat na iyong tinira sa iyong obrang "FRAY BOTOD" ay tila isang masamang bangungot na ngayo'y sa anyo ng mga indiong kalahi mo.
Ang karahasan ay karahasan hindi na nito kailangan ng ibayong paliwanag. Kamatayan ang kabuntot ng karahasan at tinutuldukan naman nito ng mga katagang, "ang wakas." Sa aming mga gawi, kanibal ng sarili naming dugo't lahi, halimaw na sumisira sa bawat isa't kasapi, ang kapuluan ng Filipinas sa huli ay maaring maging isang alamat na lamang.
Ngunit sa mga katulad kong patuloy na nangangarap at lumalaban sa gitna ng kasukdulan ay naniniwala na ang lahat ay may katapusan kung tayo lamang ay magbabalik tanaw kung saan nag-ugat ang lahat.
Ang tangi kong panalangin: Nang sa Maykapal ang siyang lalan ng ating pinagmulan, ang natitira nating kaayusan.
Posted by Indiobotod at 1:52 PM 1 comments
Labels: Literatura