Mula sa putik naging katawan, binulungan ng Diyos nagkaroon ng buhay, tinukso ng ahas at nagkaroon ng talino't naging kritikal sa paningin ng Diyos, iyan ang TAO.
Ikinalat, kumalat. Nagtayo ng sibilisasyon, may umunlad at may naghirap. At mula sa naghirap isa na roon kaming dati ang tawag ay Indio ngayon mas may pagkakakilanlan na, Pilipino.
Namulat sa isang uri ng kasaysayan mula sa paniniig ng mga hilaw na prayle buhat sa Espanya. Na siyang nanikil sa amin upang busugin ang kanilang malalaki't ganid na bituka at hindi pa naawa'y hinalay ang mga puri ng aming mga kababaihan. Hindi pa roo'y natapos, kami ay pinagsawaan, ipinasa at naging bahagi ng buktot na kamalayan at sakim na kapangyarihan ng mga Amerikano at pagkatapos nama'y mga hapon.
Kilusan dito, rebelyon doon. Mga balangkas sa Mindanao, Kaguluhan sa Bisayas at progresibong pakikibaka sa Luzon. Mga bunga ng pang-aalipusta sa aming mga sarili, pang-aalipin ng sarili naming pagkatao, ng aming pagka- Pilipino.
Ang aming kabaliwan ay walang pinipili, bata man o matanda; estudyante man o guro; tamad man o masikap; palaboy man o may tahanan; lahat biktima at salarin sa paninira sa kamalayan ng bawat isa, walang matitirang buhay.
Kaawa-awang Rizal, ang mga indio na kanyang ikinamatay ay nagpapatayan. Sayang na Bonifacio, ang kanyang bolo't Katipunan sasaan pa ma'y nilamon ng lupa at tila hindi na isina-alang-alang ng mga Pilipino sa kasalukuyang panahon. Oh Jaena, kung iyo lamang nakikita na ang mga paring bondat na iyong tinira sa iyong obrang "FRAY BOTOD" ay tila isang masamang bangungot na ngayo'y sa anyo ng mga indiong kalahi mo.
Ang karahasan ay karahasan hindi na nito kailangan ng ibayong paliwanag. Kamatayan ang kabuntot ng karahasan at tinutuldukan naman nito ng mga katagang, "ang wakas." Sa aming mga gawi, kanibal ng sarili naming dugo't lahi, halimaw na sumisira sa bawat isa't kasapi, ang kapuluan ng Filipinas sa huli ay maaring maging isang alamat na lamang.
Ngunit sa mga katulad kong patuloy na nangangarap at lumalaban sa gitna ng kasukdulan ay naniniwala na ang lahat ay may katapusan kung tayo lamang ay magbabalik tanaw kung saan nag-ugat ang lahat.
Ang tangi kong panalangin: Nang sa Maykapal ang siyang lalan ng ating pinagmulan, ang natitira nating kaayusan.

1 comments:
very good view of
the currrent indios.
i like it.
Post a Comment