Buong Pilipinas na ata ang umaangal dahil sa di matigil na pagtaas ng presyo ng gasolina lalo na ng pambansang krudo, "ang diesel". Pero bago po tayo magreklamo, alamin po munanatin ang puno't- dulo ng problemang ito:
1. Sabi ng mga Social Scientist, Political Scientists at ng mga Ekonomista, World Crisis daw ang nangyayari!
Dahil sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika na isa sa mga malaking exporter ng krudo sa mundo, legal na nagmamay-ari at may pananagutan sa salaping dolyar (world currency lang naman din!) na siyang pangunahing apektado sa patuloy na paglubog ng Amerika kaya apektado ang lagay o exportation ng krudo at presyo nito, Kaya tiyak din at walang palya apektado tayo!
2. Sabi (nanaman) ng mga Social Scientist, Political Scientists at ng mga Ekonomista, World Order ito, Mal- Adjustment kung baga!
Salamat sa Bansang Tsina (China), India at iba pang mga bansa sa ating kontinenteng Asya (Asia) na ngayon mas kilala sa tawag na (politically correct term) "Developing Countries" o mga bansang patuloy o mabilis ang pag-unlad na siyang nakadagdag sa kunsyumo ng daigdig sa langis o krudo; Mga 90% lang naman ang nadagdag sa kunsyumo dahil sa kanila.
Kapag mas malaki ang kunsyumo o demand ng bawat bansa, at sa bawat bansa ay ng bawat indibidwal, kinakailangan na mapantayan din ng mga exporter o ng supply ang nasabing demand sa krudo or else tulad ng kaganapan ngayon krisis ang ating haharapin. Hello!? buong mundo po kaya ng involve dito.
3. E- Vat daw ay dapat tanggalin sabi ni manong drayber ng taxi na nakaaway ko noong nakaraang linggo dahil sa kapwa niya tsuper ng taxi na namimili ng pasahero at nangongontrata, at ayun ipinagsigawan pa na dapat daw makulong na si Gloria para matigil na daw ang kahirapan! (Puwede ba yun? at mawawala nga ba ang kahirapan pag nakulong na ang lola mo?)
Ayon sa aking pagkakaintindi mula sa mga topakin kong mga propesor ang isyu (issue) ng E- Vat o mismo ang konseptong ito ay isang usapang teknikal! Ang E- Vat daw ay "simplified" tax na dati ay ang mga sandamakmak at patung-patong na taxes (o mga tax) na binabayaran ng bawat mamamayang Pilipino.
(tama po ba? kung mali paki-corrent na lamang po ako.)
Mga Balita ukol sa gasolina:
- 6,000 na sasakyan bawat araw ang nawala sa mga kalsada o hindi na binibiyahe dahil nga sa isyu ng gasolina.
- Na ang inaangal nating P 57. something- something ay walang binatbat sa presyo ng gasolina na binabayaran ng mga taga- Norway, partikular sa Oslo, na may halagang 14.23 Kroener (1.78 Euros, 2.82 Dollars) o sa sarili nating salapi ang katumbas ng nasabing presyo ng diesel sa Oslo, Norway ay P 125. 36. Partida isa ang Norway sa pinakamayamang bansa sa daigdig at ang nakakagulnatang ay ito, Pang- 5 sila sa mga pinakamalaking bansa na exporter ng krudo sa buong mundo.
0 comments:
Post a Comment