CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, February 14, 2009

Kultura: Lingua Franca

JAPORMS

Ang 'Japorms' ay nagmula sa binaliktad at dinagdagan ng salitang-ugat na 'porma' na tumutukoy sa estilo ng pananamit ng isang tao. Ang taong 'japorms' ay karaniwang nakasuot ng damit na pusturyoso. Ang katagang ito ay madalas marinig sa mga kabataan noong dekada '90. Kung susuriin, ang konsepto ng salitang 'japorms' ay maaring lumitaw mula sa katumbas na mga salitang naka-desente (1920s), naka-pustura (1930s), at spooting (1930s).

CHORVA/ CHURVA

Ang 'chorva' ay pinaniniwalaang hinango mula sa Griyegong salita na 'cheorvamus' na nagpapahiwatig ng kawalan ng akmang salita na maaring sabihin. Karaniwan din itong ginagamit bilang filler o panghalili sa mga bagay na hindi tahasang maipahayag ng nagsasalita sa kaniyang kausap. Sa katunayan, ang 'chorva' ay maaring magpakahulugan sa kahit na anong bagay.

BARKADA

Ang salitang 'barkada' ay kumakatawan sa gruypo ng magkakaibigan. Hinango ito sa salitang espanyol na 'barcada' na tumutukoy sa dami ng pasahero na maaaring ilulan ng isang bangka.Hinihinala ng tanyag na manunulat na si Nick Joaquin na mula sa konseptong Malay nag-ugat ang panghihiram sa salitang ito sa halip na 'pandilla' na siyang katumbas ng 'gang' sa wikang espanyol. Ayon pa kay Joaquin, maaring dala ito ng alaala ng nabubuong samahan ng mga pasarehong lulan ng isang bangka sa tuwing maglalakbay noong unang panahon. Kinalaunan, ang salitang 'barkada' ay naging kilala rin sa pinaiksing katawagan na 'berks'.

DIAHE/ DYAHE

Ang 'diahe' o 'hadya' ay salitang balbal na nagpapahiwatig ng kahihiyan ng isang tao hingil sa isang bagay, pangyayari o sa kaniyang kapwa. Sa Pilipinas, ang konsepto ng hiya ay isang pagpapahalagang panlipunan. Halimbawa, sa kultura ng mga Pilipino, 'diahe' ang pumunta sa isang salu-salo nang walang bitbit na regalo. Isa it sa mga pag-uugali na nakasanayan ng mga Pilipino sa tuwing magpapaunlak sa isang imbitasyon.

CONO/ KONYO

Karaniwang itinuturing ang mga taong kabilang sa mataas na antas ng lipunan na mga 'cono' o 'konyo'. Ayon sa kasaysayan, naunang ginagamit ang salitang 'cono' noong simula ng ika-19 na siglo bilang pantukoy sa mga dayong Espanyol na ninirahan sa mga bansang nasasakupan nila tulad ng ilipinas at Latin Amerika. Sa wikang Espanyol, ang salitang 'cono' ay nababalot sa konsepto ng kalapastanganan bilang tugon sa mga Peninsulares mula noong 1800s hanggang sa kasalukuyan. Maliban sa magagarang amit at kagamitan, ang mga 'cono' sa kasalukuyang panahon ay 'code switching.' Isa sa mga klasikong halimbawa ng pananalitang 'cono' ay ang pahayag na "let's make tusok-tusok the fishballs."

JEPROX

Binuo ng dating miyembro ng bandang Anak Bayan na si Edmond Fortuno ang sumikat na salitang 'jeprox'. Ito ay karaniwang bansag sa mgha lalaking mahahba ang buhok at bihis-rakista noong dekada '70. Hango ito sa pinaikling parirala ng 'Jeepney Rock na tumutukoy sa "rock" at klasikong musika na kalimitang pinakikinggan sa loob ng dyipni na kasagsagan ng "rock craze." Kalinsunod niyon ang pagsikat ng awiting "Laki sa Layaw," ni Mike Hanopol na ipinapalagay na siyang nagbunsod upang higit na makilala ang 'jeprox'. Kinikilala ito na siyang pantukoy sa mga taong laki sa layaw na mas popular sa katawagang 'hippie'. Samantala, may ilan ding nasulat sa internet na nagsasabing hinango ang 'jeprox' mula sa binaliktad na pagbaybay sa salitang Ingles na 'project' na tumutukoy sa proyektong pabahay ng pamahalaan noong 1960s. Ang terminong 'jeprox' sa bagong henerasyon ng mga kabataang ay patuloy pa ring ginagamit hanggang ngayon.

ERMAT at ERPAT

Ang 'ermat' at 'erpat' ay mga salitang balbal na nagmula sa mga binaliktad na katagang 'mader' at 'pater'. Ito ay ginagamit bilang pantukoy sa nanay at tatay. Ang kinagawiang pagbabaliktad ng mga salita ay tatak ng 1930s at 1940s. Tulad din ng mga salitang 'damatan' (matanda) at 'alaw na alaw' (walang-wala). Ang 'ermat' at 'erpat' ay ilan lamang sa mga nabuong salita na nag-ugat sa radikal na pag-iisip ng mga kabataan noong panahong iyon. Noon hanggang ngayon. popular pa ring ginagamit ang mga salitang ganito.

JOLOGS

Baduy, cheap, hip-hop, at makaluma. Ilan lamang ito sa mga kilalang termino na katumbas ng salitang 'jologs.' Gayunpaman, nagkakasundo ang mga lingguwista at mananalaysay na nag-ugat sa paggamit sa salitang ito sa mga titik ng kantang OPM noong 1990s ng nagsisimulang mauso ang paggamit ng internet. simula noon, unti-unting nagkaroon ng iba't-ibang kahulugan ang salitang 'jologs' na karaniwang inuugnay bilang panglilibak o panlalait. Ilan sa mga sosyolohista ay naniniwala na nag-ugat ang 'jologs' sa salitang 'diyolog' (dilis + tuyo + itlog), bilang pagkain ng mahihirap.

ang mga impormasyon ay mula sa wikipilipinas.org

0 comments: