Ito ang listahan ng mga pagkaing kalye/ snack/ junkfood ng mga Pilipino
MANGGANG HILAW
Hinati sa gitna, itinusok sa stick at ibinabad sa garapon na may tubig. Panalo kapag pinagulong sa maanghang na bagoong alamang.
MANI
Pinirito, sinangag, inadobo, nilaga, maalat-alat o may maanghang na sangkap. Perpektong papakin na may kasamang inuming may-kulay.
BALUT
pertilisadong itlog ng pato (17 day old), may kasamang pinakuluang embryo (sisiw).
TAHO
sariwa, malambot at mala-sulang tofu. hinaluan ng arnibal (pulang asukal) at sago. Walang kasing-sarap sa almusal.
ISAW
binarbekyung bituka ng baboy o manok, inihaw. Mapapanatili sa sarap kapag isinawsaw sa sukang may dinurog na sili.
KWEK KWEK
nilagang itlog na binalutan ng kulay-kahel na harina at ipinirito. Mas matindi kapag isusubo nang mainit-init pa.
Saturday, February 14, 2009
Pagkaing Kalye sa Pilipinas
Posted by Indiobotod at 8:22 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment