CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Wednesday, April 2, 2008

Ako si Totoy alyas Batang Quiapo

Ano bang alam mo?
Tumira ka na ba sa kalsada?
Natulog ka na ba sa dyaryo, karton, o kariton?
Uminom ka na ba ng tubig galing sa De-bomba?
Nakakain ka na ba na asin lang ang ulam mo?
Rugby, na-hithit mo na ba?
Dumumi ka na ba sa lata o diyaryo? pandepot in short?
Feel na feel mo ba ang "pink urinal" ng MMDA?
Wow! tv sa Quiapo! nakapunta ka na ba doon at tumambay para lang manood ng laro ni pacman?
Nanlimos ka na ba sa entrance ng LRT? eh sa sidewalk?
Nagdiwang ka na ba ng Pasko salamat sa mga Relief Goods ni Mayor?
Sidecar! ang yaman ko na! Nakasakay ka na ba sa sidecar o mas kilala as di-padyak?
1-2..3...! Sabit-sabit lang sa jeep kasi walang pamasahe? O hindi kaya naranasan mo nang makikandong apat sa sais pesos?
habulang gulong sa kanal nalaro mo ba?
30 Pirasong papel na kuwaderno para sa 4 na subject mayroon ka?
yung short mo na lima kayong magkakapatid, ganoon din ba ang lagay mo?
Eh, anong alam mo?
Anong mayroon ka?
Anong lagay mo?
Anong pagkakaiba mo sa akin?
Bakit ako ganito at ikaw hindi?
Bakit ikaw may ganyan, ako kahit ni isa wala?
Kung hindi tayo pareho, eh di ano ako?
Puwede bang malaman kung ano ang alam mo?

0 comments: