CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Saturday, April 5, 2008

Isang Palaboy sa 5th Avenue, Caloocan City

Galing sa nakakapakod na isang linggong pagpapapirma ng clearance sa aking mahal na unibersidad, nagawa ko pa rin na mag-masid sa aking paligid at unawain ang mga bagay-bagay sa sistemang kultura at sosyal ng Pilipinas.

5th Avenue ng lungsod ng Kalookan! Puro mga Tsinoy ang naninirahan at nagmamay-ari ng mga malalaking gusali roon. Hay! Kung iyong susuriin panahon pa ng mga Amerikano ang uri ng arkitektura mayroon ang mga gusali at ngayon nga'y natabunan na ng usok buhat sa tambutso at iba't- iba pang elemento na mayroon ang maduming hangin sa Pilipinas. Sa limpak-limpak na pananalapi (na madalas kanilang iniin-vest sa mayaman at malaking bansa ng Tsina) at kuripot na pag-uugali ng mga tsinoy na namana nila sa dugong intsik na dumadaloy sa kanilang mga katawan ay hindi man lamang nila naisip na pagandahin ang lugar o di kaya ang sari-sarili nilang mga gusaling pag-aari o tinitirhan? Simpleng pintura o linis ng kani-kanilang mga teritoryo't pag-aari ay maayos na! Tapos ang sisi ay sa mga purong pinoy na naninirahan at pinagsisiksikan ang kanilang mga sarili sa mga bakanteng lote, bahay, at apartment na pinauupahan ng mga tsinoy?!

Alipin na nga kami sa sarili naming lupain at talagang matindi na ang topak ng pang-aalipin sa aming mga sarili at sa bansang kinalakhan namin pero maari po ba na bilang aming mga panginoon (sa kasamaang palad at tunay na pinag-durugo ng puso ko) ay maging ehemplo kayo sa mga kani-kaniyang mga gusali't pag-aari ninyo. Nabanggit ko na nga, mga may sira kami sa kukote at sa tingin ko ay isa na itong cancer, at bahagi ng kasiraang ito ay ang pagmimistula naming mga robot na sunod lang kung saan kami hatakin. Madali naman kaming hilain sa leeg at nawa'y samantalahin ito sa aspeto ng pagpapaganda ng kapaligiran na aking binabanggit.

Babala! kami ay mga natural na mga suwail din kaya huwag kaming subukan na abusuhin na hahantong sa kamatayan dahil marami sa amin ayaw mamatay kaya nga't kami ay mga tamad at ayaw mahirapan na sa paraan na di kami mababalatan ng buhay, ito ang uri ng kayod na ninanais namin!
(ang ayaw maniwala ay SINUNGALING! dahil tiyak di katulong kayo o di kaya may cellphone ka kahit wala na kayong makain sa hapag-kainan at may magic sing sa bahay nyo na nagkakahalaga ng 4000 piso kahit sa barong-barong kayo natira).

o di kaya...

mga kapwa ko pinoy kung hindi epektibo ang panawagan ko sa mga tsinoy, tayo na lang kaya po ang umayos sa ating 5th Avenue? tutal tayo ang mas higit na nakababalat sa nasabing kalye, hindi ba? o huwag po nating sabihin na totoo ang aking mga nabanggit sa ikatlong talata ng "entry" na ito? tigilan na natin ang pagiging parasito sa sarili nating teritoryo at minsan magmukhang panginoon tayo sa pamamagitan ng suhestiyon kong pag-aayos ng kahabaan ng 5th Avenue.

Sa tingin ko ay may kuwento o may naging puwang sa kasaysayan ng bansa ang kalye ng 5th Avenue. Nararapat lamang na linisin ninyo ito kahit walang kautusan buhat sa pamahalaan o sa city hall man. Naman! ano bang aasahan mo sa bulok na sistemang pulitikal dito sa Pilipinas?! kaya nga't simulan natin ito sa ating mga sarili! huwag tumulad sa mga higad ng gobyerno at magmistula tayong mga sampaguita ng ating sariling bayan! ipamukha natin sa kanila kung gaano sila kabulok! At baka sakali talaban ang mga talaba ng Responsableng Pamahalaan at Mamamayan ng Pilipinas!

P.S. Hindi ako taga- 5th Avenue o kahit saang sulok pa man ng ka-Maynilaan.

0 comments: